Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. before Supporters In Cebu

Good afternoon. Magaganda na ‘yung itsura ninyo, hindi kagaya sa kampanya na pawis, gutom, basa…

Galing lang kami sa Liloan. Nag-inaugurate lang kami nung Pier 88, ‘yung kanilang bagong concept para sa ferry. Ito ‘yung binubuo natin, ito ‘yung mga pinag-uusapan natin noong eleksyon, noong kampanya na gagawin natin to make… especially hindi lang NCR but in the different parts of the Philippines, ito ‘yung gagawin natin na accessible para madaling puntahan ng tao, para mabuhay naman ang mga iba’t ibang lugar.

So, I think it is a… Ang speech ko nga sa kanila kanina ay sabi ko sa kanila: it’s a small part of the big system that we’re trying to put into place.

But anyway, I’m glad to see all of you at naaalala ko pagka nakikita ko ‘yung sea of red, naalalala ko na naman ‘yung panahon ng kampanya…

Maraming salamat. Ako ay hihingi ng paumanhin at medyo matagal bago ako nakabalik at siyempre nakita niyo naman marami tayong kailangan paspasan, madaliin doon sa trabaho ng paglagay ng mga pagbabago, paggawa ng lahat ito, lahat nung nakikita ninyong problema na hinaharap natin.

Precisely, lahat talaga nung ating isinisigaw noong kampanya.

Nandoon talaga ‘yung agrikultura, nandiyan ‘yung energy, nandiyan ang ating mga maliliit na negosyante, ‘yung mga MSMEs na ating tinatawag.

Dahan-dahan natin talagang tinutulungan sila at masasabi ko naman na ‘yung ating ipinaglaban noong nakaraang halalan ay hindi lang naman slogan ang ating isinigaw at ‘yung ating pinag-usapan ay talagang ginagawa natin.

At kahit hindi pa tapos, I think hindi naman tayo mapapahiya at masasabi natin sa mga kababayan natin na at least nakapagsimula na tayo and we’re headed in the right direction.

Sa ngayon, ‘yung ekonomiya natin dito sa Pilipinas, kasama ko lang ‘yung mga business community ng European Union at ‘yung mga iba’t ibang bansa. Tayo ngayon ang fastest growing country in the world. [applause]

Tama ‘yung ating direksyon. Tama ‘yung ating mga iniisip. Tama naman ‘yung ating mga ipinaglaban. Talagang ipinaglaban naman talaga natin ‘yan dahil hindi naman naging madali. Syempre wala naman kampanya na madali.

Ngunit, naipamahagi natin sa taong bayan ang ating mensahe tungkol sa pagkakaisa, tungkol sa mga problema na sa ating palagay ay hindi naman talaga maaayos kung hindi tayo magsama-sama, kung hindi tayo magkaisa. Nagawa natin.

Kaya’t napakaganda ng resulta nung halalan. Dahil sa tulong ninyo at napakalaking bahagi syempre ang Central Visayas, napakalaking bahagi ng voting population ng buong Pilipinas. And where Cebu goes maraming sumusunod.

So, it is very important that ‘yung ginawa ninyo para naabot natin itong magandang pagkapanalo at kung masasabi natin, unity tayong pinag-uusapan, nagawa natin dahil lahat sumama na sa atin.

Kaya’t ‘yun ang pinaka-maganda talaga na naging resulta nung kampanya at ‘yun ang talagang magandang pundasyon ‘yan para sa akin para gagawin ko ‘yung kailangan ko gawin na nandiyan. Lahat ay handang tumulong at lahat ay nakikita na ang ninanais naman talaga natin ay pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino.

Huwag niyong isipin na ‘yung pinaghirapan ninyo sa pag kampanya, pinaghirapan natin, kasama naman tayong lahat. Pero kahit na noong wala ako dito, nandyan pa rin kayo. Sige pa rin kayo nag-iikot at nag-o-organize. It was not for nothing. It was for something.

‘Yung ating pinag-usapan, as I said, hindi lang campaign slogan, kung hindi talaga ‘yun ang ating paniniwala, ‘yun ang naging ating panindigan. Kaya’t nabigyan naman tayo ng pagkakataon ng mga Pilipino, ng ating mga kababayan. Nabigyan tayo ng pagkakataon na patunayan na totoo naman pala ang ating sinasabi. Totoo naman pala ang ating pinapangako.

Gaya ng sabi ko, kahit na, eh mayroon pa tayo. Pero nakabilis ng panahon, mag-one year na. One year since the election. [applause]

Kaya kailangan lagi double time. Kailangan talaga paspasan natin lahat ng ating ginagawa at kailangan talagang matapos. At least masimulan ang hindi na mapapalitan sa susunod na limang taon.

At pagdating ng panahon, sana naman masasabi natin ay ‘yung ating mga adhikain, ‘yung ating mga mensahe na bigay sa taong-bayan ay ginawa naman nating totoo.

Ang biro ko nga, pagkatapos noong halalan, mga May 9, after the May 9, ‘di syempre tapos na ‘yung bilangan ang sabi, “kailan tayo mag-victory party?” [applause] Iba approach ko. Sabi ko, ang victory party natin second week of May 2028. [laughter] “Bakit naman 2028? Napakatagal pa.”

Dahil, hindi tayo maaari pang mag-celebrate hanggang masasabi natin na marami tayong nagawang maganda at talagang masasabi natin talagang gumanda ang buhay ng bawat ng Pilipino dahil sa trabaho natin.

Pero palagay ko nag-victory party na kayo. [laughter]

Pero ‘yun talagang malaking victory party, maniwala kayo sa akin. Pagka nagawa talaga natin ‘yan, lahat ng kaya natin gawin, at dito sa term ko. Hindi ko pinaplano ‘yung bawat taon, bawat buwan. Pinaplano ko bawat araw, kung ano ‘yung gagawin sa bawat araw. Kaya bawal magkasakit, hindi nagbabakasyon. Kasi talagang kakaunti lang ang panahon na ibinigay sa atin para matupad natin lahat, sa ating palagay, ay kailangan natin gawin.

Nandiyan pa rin kayo at inaasahan namin kayo na you’re still our partners in all that we are doing in nation-building.

We talked about nation-building before. That is still the same. It is still the same dream that we have. It is still the same dream that we fight for. It is still the same dream that we are continuing to dream.

Kaya naman napakalaki ang pagtanaw ko ng utang na loob sa inyo dahil nabigyan tayo ng pagkakataon dahil sa inyong hirap, dahil sa inyong sakripisyo. Nabigyan tayo ng pagkakataon upang mag serbisyo at upang pagandahin at tulungan ang buhay ng ating mga kababayan.

Kung hindi ‘yan ang ating magiging layunin, bakit pa tayo tatakbo, ‘di ba? Bakit pa tayo ipaglalaban? Bakit pa tayo maghihirap na mangampanya? Walang dahilan kundi dahil para sa ikabubuti ng Pilipinas, para sa ikabubuti ng ating mga kababayan.

Kaya’t huwag niyong iisipin na tapos na ‘yung eleksyon, tapos na ‘yung kampanya, wala ng kailangan gawin. Lalong lalo na marami tayong kailangan gawin kaya’t ipagpatuloy natin ang ating sinimulan. Let us stay together. Let us stay organized.

Marami tayong kailangan gawin. Pagka mayroon kayo dito sa locality, kung meron kayong nakikita na kailangan ayusin, marami naman kayong contact dito sa amin, sabihan ninyo kami. Para naman masabi natin pag nabalitaan ng national government na may problema ay may ginawa kaagad at makikita we are very responsive to the needs of our people.

Kaya diyan ko kayo kailangan. Dahil kung minsan nakaupo ako doon sa Palasyo… mga kausap ko ‘yung mga matataas na opisyal. Pero importante para sa akin, mahalaga pa rin na makakausap ko ang mga lokal dahil ‘yan naman talaga. Lahat ng politika naman local.

May national politics, pero ‘yung national politics ang nilalaman niyan is local politics. Kaya’t doon pa rin ang dapat ang maging concentration natin.

Kahit na ano, kahit na tumanda na tayong lahat, pwede pa rin…

Kalabaw lang ang tumatanda. Kaya’t ‘yan… huwag natin makakalimutan ‘yung ating pinaglaban. Huwag natin kakalimutan ang ating hangarin para sa Pilipinas.

At sa pamamagitan ng ating pag-alala sa ating pagmamahal sa ating kapwa Pilipino ay ‘yung ating ibinuo na UniTeam, ang ating ibunuo na mga pagsasama ay magtutuloy-tuloy na ‘yan at siguro naman kahit na tayo ay tapos na ay baka meron namang susunod sa atin na ipagpapatuloy ang ating sinimulan.

Maraming, maraming salamat sa inyo.